Pagtuklas

Sana hindi ka mapagod hangga’t nasa proseso ka ng pagtuklas.
Kahit tila matagal at napag-iiwanan sa ilalim ng kalawakan
patuloy mong hanapin ang sagot sa mga balangkas.
Kahit ang daanan mo’y batuhan at mga dawagan,
manatili ka sanang matatag kagaya ng punongkahoy sa kagubatan.
Kahit ‘di ka makasabay sa mabilis na pag-usad ng mundo,
patuloy mo pa rin ihakbang ang mga paa mo,
papunta sa lugar kung saan naroon ang kasiyahan at kapayapaan .

Huwag mong hayaan na ang takot ay mamutawi sa iyong dibdib,
Mga ligalig na mistulang kumakalabog at sumasabog pagsapit ng dilim.
Sikapin mong hanapin ang liwanag kahit ang ulap ay makulimlim,
kahit malakas ang ihip ng hangin, at kahit ang ulan ay ‘di natitinag.
Hayaan mong iduyan ka ng hangin hangga’t kasagutan ay iyong mabatid.
Patuloy mong hanapin ang mga hinaing na isinulat mo sa buhangin,
At sa iyong pagmamasid, pagtitimpi, paglalakad, at pananalangin.
Matutuklasan mong ikaw ang tanging tugon sa mga tanong sa mga bituin.


Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Writings

brown wooden table

Hope in Jesus

This Christmas, I’m reminded of Him in the manger, sobbing like a typical infant while being swaddled in clothes. Giving us hope, reassuring us that He also comes in small, not to impress but rather to serve, as a constant reminder of His incredible love for us offers us peace, joy, and hope.
rising flag of Philippines during daytime

Lupang Sinilangan

Mga sanaysay ng mga manunulat kahit sa loob ng piiitan pinagpilitan mailathala upang maihatid ang katotohanan.
woman sits on grass during dawn

Inhale His grace

“One touch of God’s favor can be more than a lifetime of labor, 50 years in the flesh doesn’t compare to 50 seconds working in the spirit” Rcsimon

Stepping out in Faith

“A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life in Him. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”


© Copyright 2022 / Merrel Ya / Website Design by Titus Jr Laxa


Let’s connect!