kalaro

 Napakalamig ng simoy ng hangin
 makulimlim na kalangitan,
di naman Pasko
at wala rin namang bagyo
kainaman na iyan!

Pebrero na pala,
tanging buwan na iniiwasan
ng mga pusong sawi
at pusong walang gana
kainaman na iyan!


At heto ako di naman sawi,
may gana rin naman,
pero tila ba batang nag-aabang;
ng kahabulan, kalaro, kapiko,
Yung maghahanap sa'yo
kapag tagu-taguan.

Iyong kalarong,
hahabulin ka kahit sa dawagan,
sasamahan ka kahit tirik ang araw,
kahit malubog sa putikan,
at kahit gabihin sa daan.
Di ka iiwanan,
tatanawin ka sa iyong lalakaran.

Nasaan na kaya siya?


Ito iyong panahon na pilit iniiwasan,
masaya naman akong mag-isa
pero mas masaya kung may kasama.

May kasamang kakain ng tokneneng sa daan,
may makikinig sa kuwelang mga banat,
May papasahan ng mga larawang kakatwa,
Kainaman na iyan!

Oo gusto din namang maranasan,
at matagal ng inaasam-asam,
Iyong sasabayan kang umawit at umindak
sa mga klasekong awitin
Sasamahan kang masdan ang kalangitan,

Sasabihan ka ng
magandang umaga, kumain ka na ba?
Uy, gabi na, matulog ka na nga!
O , galing mo ah natapos mo lahat?
OO, kainaman na iyan!

Tila bumabalik sa pagkabata,
at nahipan na nga ng hangin.
Hays!
Mapapabuntong hininga nalang.

Pero baka nga di parin tama at wasto  ang panahon,
kaya di tayo magtagpo,
sana mahanap mo rin ako,
at sana makita rin kita,
aking kalaro. 

Kainaman na iyan!


Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about "kuliglig sa kanyang dibdib."

Related Writings

'}}

Calmness

Life is hard, may you always see the beauty in it. There are many distractions around, may you always search for calmness, a quiet time to sit in silence, and just be grateful for all the underrated privileges you have, those things unseen weigh the most.
'}}

How Precious is His Steadfast Love

When you realized that God loves you unconditionally, it's hard not to worship Him and to testify about His great love. Oh Lord, how precious your steadfast love.
'}}

God remembers you

It's part of our femininity and it's okay to admit this vulnerable part of us even the "strong independent woman" gets tired and lonely too.