Rehas

Kasalanan nga ba nila'y may kapatawaran pa?
Kung buhay ay kanilang winakasan o dinungisan?
Sapat na nga ba ang mga bakal na harang?
Na unti-unting umuupos ng kanilang pag-asa

Dalangin nga ba nila'y maririnig pa?

Kinamuhian at tinakwil ng lipunan,
kasuklam-suklam ang tingin sa kanila,
Di man lang madatnan ng antok pagkagat ng dilim,
Nagsisiksikan sa karitong abot-sikmura  ang lamig.

Hinagpis ng pagsisisi ang umaatungaw,
mga gabing puno ng hikbing di man lang umaalingawngaw.
Pagsapit ng umaga, pilit na inaaninag ang liwanag
at sinag ng pag-asa.

HUSTISYA! silakbo ng kanilang damdamin,
ngunit 'di kayang bigkasin ng kanilang itim na mga labi.
Walang karapatang umatungal, ngunit pilit binubulong
Kalayaang nais makamtan hanggang pangarap nalang?

Lahat ng kasalanan ay may kabayaran,
Kailan sasapat ang kanilang pagdurusa?
Kapag naramdaman na nila lahat ng pighati?
O marahil kapag nalagutan na rin sila ng hininga?


Rehas na bakal,
kailan nga ba magbubukas?
Bulong ng mga kaluluwang nagpupumiglas.

 Atom  Araullo Huling Pasyente dokumentaryo

Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

PREVIOUSNEXT

Related Writings

opened book near brown wood branch on sand under blue sky

When God loves, He does…

Life is fleeting and without Jesus, life is a mess; without Jesus, life is not at its best.
girl holding umbrella on grass field

When God helps; He sends the right people.

God touches hearts; He sends people who are going to help us. Sometimes these are the people whom we least expect to show up in trying times or people whom we even don’t know but still offer help. It’s so amazing, God works in unexpected ways but still right on time.

journal prompts

with Christ, in my vessel, I can smile at the storm until it takes me home! Keep sailing!”

Stepping out in Faith

Inhaling His grace and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”

Meryl Ya

© Copyright 2017 / Merrel Ya / Website Design by Titus Jr Laxa

Let’s connect!