Makulimlim

Nakakalungkot ang kulay ng kalangitan, ‘di ko mahagilap ang sinag ng araw gayong tanghaling tapat pa lamang. Gusto kong bumalik at magtalakbong ng kumot, humiga sa papag, humigop ng mainit na kape, at iduyan ang sarili sa musika. Tila kay bagal ng mga araw at minsan ‘di mapigilang mangamba sa mga araw na dumarating. Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ang paghakbang.

Habang nagmamasid sa palagid ay sumabay ang mabagal na pagpatak ng ulan, pagbulusok ng usok sa pampasaherong dyip, walang patid na sigaw ng barker, pagpupumilit ng isang ginang, paghikab ng ginoo sa kanyang malapad na higaan, at pangangalakal ng mga musmos.

Tila nanlambot ang aking mga tuhod ngunit pinilit magpatuloy. Dala-dala ang mga papeles na pinagsumikapan ay nadagdagan na naman ang aking insipirasyon na pagbutihin ang munting pangarap.

At sa aking pagsakay ay nahagip ng aking paningin ang mga kolehiyala; masaya na nagkukwentuhan at nagbubulungan. ‘Di ko mapigilang ikiling ang aking leeg at masdan ang kanilang mga mata, mga tingin na nagniningning dulot ng malapit na pagtatapos.

Limang taon na ang nakalipas noong ako’y nakapagtapos at nakamit ang aking pangarap. ‘Di ko mapigilang mapaluha dahil malayo na rin ang aking narating, kahit tila napag-iiwanan ng mga kasabayan. Heto ako magsisimulang magsimula muli sa lugar na walang kasiguraduhan.

Malayo pa rin ang tatahakin na landas, may kaba pa rin sa dibdib ngunit pagsapit ng gabi ay may kakaibang kapayapaan at pag-asang nagbibigay sigla. Makulimlim nga ang kalangitan ngayon, maaaring ‘di lang para sa akin, pati sa nakakarami. Subalit, sisikat pa rin ang araw, pag-asa’y parating.

Nabigo man, magpapatuloy pa rin.

Manong, dito na po ako.”


Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Writings

person showing both palms while sitting on chair

Who am i?

who am I Lord?
woman in white dress under red umbrella

It takes season

His time in obscurity allowed him to develop his character and draw closer to God, enabling him to accomplish more than he appeared capable of.
person standing on cliffhanger

spice of life

One day you will wake up doing something you thought you couldn’t do, hard things you’re so afraid to face and you would eventually jump in the cliff with so much fear ready to face the uncertainties.

Stepping out in Faith

Inhaling His grace and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”

Meryl Ya

© Copyright 2017 / Merrel Ya / Website Design by Titus Jr Laxa

Let’s connect!