hatinggabi

narinig ko na naman ang mga kuliglig
tila di' mawari ang tamang tiklado
ng aking mga paa at mga kamay
sa pagtugtog ng lumang piyano
katulad ng pagtimbang 
kung sakto na nga ba ang takal ng asukal 
sa mainit kong kape na nalalalamig na

hatinggabi na pala ngunit
'di ko pa rin matapos 
ang sinulat sa ilalim ng alapaap
hatinggabi na pala ngunit
'di ko pa rin malirip
kulang na sangkap sa aking mga tula
hatinggabi na pala ngunit
'di pa rin magtugma bawat nota 
upang mabuo ang piyesa

hatinggabi na ngunit 
wala ka pa rin sa aking tabi
tila di' pa rin wasto 
at tugma ang  ating panahon
kaya 'di tayo magtagpo
hayaan mo sa susunod na kabanata
na Siya mismo ang sumulat
magtatagpo rin ang ating mga daing,
hinaing at dalangin 
na 'di malirip ng ating mga isip
at sa sandaling iyon

pangako, 
ikaw na ang pamagat ng aking mga tula
at 'di na tayo mangungulila bawat hatinggabi
dahil tahanan na natin ang bawat isa...

Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about "kuliglig sa kanyang dibdib."

Related Writings

red heart and man hanging drawing

On Love

And once you consume His love it’s easier to love and to be loved.
grayscale photo of people walking on hall

Live for an audience of ONE

I remember what our Pastor always said when he was still alive. He said, "Huwag mong naisin ang palakpak ng tao dahil iyan ang sasampal sa iyo, naisin mo ang palakpak ng Diyos iyan ang magtataas sa iyo."

To my journal buddies,

The new season is unfolding and new path is uncovered. Thank you for allowing these journals to take up space in your souls, into your lives- my journal buddies out there. Warm hugs!