Kung dumating man ang panahon na maubos ang tinta ng iyong panulat, di na sumabay sa indayog ang 'yong mga paa, mawala sa tono ang 'yong gitara, di magtugma ang 'yong mga tula, di na marinig ang langitngit ng kawayan, di na maaninag sikat ng araw, at mawalan ng sigla ang iyong katawan. Di man matupad lahat ng 'yong mga pangarap, matuyo man ang mga pananim at maunti man ang anihin. Alalahanin mo ang dahilan ng 'yong paghinga, ang pagsubok na 'yong nalagpasan, mga panalanging binigyang kasagutan, mga sugat na naghilom, mga pangamba at takot na iyong nilabanan. pag-ibig na naging 'yong tahanan at mga kaibigang naging sandalan. Alalahanin mo ang Manlilikha, S'yang nagbigay ng pagkakataon kasama mo sa lahat ng panahon. Bitbitin mo ang pag-asa at dahilan ng 'yong paghinga. Padayon!
PREVIOUSNEXT