Sayang

Sayang ang pagtingin,
kung di sasambitin.

Sana'y dumating ang tamang panahon,
na 'di mo na kailangan pang
pigilan ang damdamin
at mga saloobin na namumutawi 
sa ilalim ng iyong mga mata.

Sana'y dumating ang pagkakataon,
na kaya mo nang sambitin,
mga salitang kay tagal na binibitin,
inuusal na mga panalangin sa kalangitan.

Sana'y sa paglipas ng panahon,
matuto tayong harapin ang mga pagkakataong,
minsan lamang dumarating sa ating buhay
kahit 'di sigurado sa kalalabasan.

Sana'y dumating ang panahon,
na ang ating mga mata ay 'di na takot magtagpo,
buong tapang na haharapin at bibigkasin,
mga salitang inuusal sa hangin 
at pag-ibig na ninais dinggin.

Sana nga'y di masayang...

P. S

Inspirasyon galing kay Mr. HAN 🥺(Start Up)

Kaya sana h’wag natin sayangin ang mga pagkakataon, subukan at tahakin ang naisin kahit di sigurado at malabo. Kaya mo yan! 😊


Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

PREVIOUSNEXT

Related Writings

Can you please do me a favor?

Your presence is all they need.

HE leads even if you’re in the wilderness

Sometimes, we don’t need to understand before we trust Him. He will make a way even in the wilderness.
woman in black long sleeve shirt covering face with white paper

What matters in the end?

We are moving shadows and all our busy rushing ends in nothing. -Psalm 39:6 Everyone woke up with great astonishment. I can hear many heartbeats throbbing around with heavyweights of…

Stepping out in Faith

“A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life in Him. Writing about life, asking God about “kuliglig sa kanyang dibdib.”


© Copyright 2022 / Merrel Ya / Website Design by Titus Jr Laxa


Let’s connect!