Kasalanan nga ba nila'y may kapatawaran pa? Kung buhay ay kanilang winakasan o dinungisan? Sapat na nga ba ang mga bakal na harang? Na unti-unting umuupos ng kanilang pag-asa Dalangin nga ba nila'y maririnig pa? Kinamuhian at tinakwil ng lipunan, kasuklam-suklam ang tingin sa kanila, Di man lang madatnan ng antok pagkagat ng dilim, Nagsisiksikan sa karitong abot-sikmura ang lamig. Hinagpis ng pagsisisi ang umaatungaw, mga gabing puno ng hikbing di man lang umaalingawngaw. Pagsapit ng umaga, pilit na inaaninag ang liwanag at sinag ng pag-asa. HUSTISYA! silakbo ng kanilang damdamin, ngunit 'di kayang bigkasin ng kanilang itim na mga labi. Walang karapatang umatungal, ngunit pilit binubulong Kalayaang nais makamtan hanggang pangarap nalang? Lahat ng kasalanan ay may kabayaran, Kailan sasapat ang kanilang pagdurusa? Kapag naramdaman na nila lahat ng pighati? O marahil kapag nalagutan na rin sila ng hininga? Rehas na bakal, kailan nga ba magbubukas? Bulong ng mga kaluluwang nagpupumiglas.
Atom Araullo Huling Pasyente dokumentaryo