Byahe

Sampuan ito kaya magsiksikan na kayo!
Mahal ang singil sa pagtakbo ng bawat kilometro 
Tara na at babagtasin pa ang daang makitid!
Hiyaw ng barker na halos pumutok na ang litid.

Sa kanan, may isa pang espasyo 
Katabi ng aleng  mukhang seryoso
Mga matang malamlam, dama ang pagod
ngunit patuloy ang pagsakay at pagkayod.


Halika nak’ kumandong ka nalang muna
Malumunay na bilin ni inay—
at ako’y napilitan umupo sa kanyang hita
Habang pinagmamasdan  ang mga paseherong aking kasakay.

Sa aking harapan ay isang ginang,
Pakurap-kurap wari ko’y malapit nang humilik
Hawak ay plastik na may dalawang kilong isasaing
Sasalubingin ng kanyang paslit na sabik na sabik.


Katabi niya’y  estudyanteng halos magkapalitan na ng mukha,
Kumikinang mga mata, nagbubulungan, at  dumamantay sa isa’t isa
Tila nalulunod sila sa labis na kasiyahan parang  mahika 
Unti-unting nahihimlay sa balika’t ng isa’t isa.


Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni inay
At ako’y nainip na sa matagal na pagkalong
Ako’y kumiling, sumiksik sa kanya at  ako’y  bumulong
“Gusto ko nang umupo, sumilip  sa bintana at sumilay.”

“Di ka ba nabibigitan sa akin?” huling hirit pa
“Hindi naman, huwag ka lang  malikot baka ikaw ay tumalsik”
Kapag nasa dyip matutong sumiksik at kumapit  ha?
Making sa aking bilin dahil kapag ikaw’y nahulog ulo’y lalagitik.

Hayaan mong kandungin muna kita habang nasa byahe,
Kahit malayo pa man at baku-baku ang daan
Hayaan mong yakapin kita hanggang makarating sa tahanan
Konting tiis lang,  isipin mong nakasakay ka sa karwahe.

Para na! kasabay ng kanyang malakas na pagkatok…
bingi ka ba? Sabi ko para na nga!
Galit na sambit ng ginang  na  tila sumasakit na ang batok
Ugod-ugod na siya, puti ang buhok at kulubot na ang mukha.

Sa kanyang pagbaba ay nagkaroon   na ng espasyo
Para sa batang paslit na katulad ko
Sa wakas! Dahil malayo pa kami sa kanto
At ako’y nalunod sa aking pagkakaupo.


Sandaling pag-idlip!
At tinangay na ng panaginip…


“SA KANTO LANG PARA NA MANONG!”
At ako’y naalipungatan at napatalsik
Parang byaheng langit, napasiksik at ulo’y lumagitik 
“Naku lamapas na naman!” sigaw ng hilaw na intsik
Kay bilis ng byahe parang isang pitik.

Hinaplos ko  ang aking mukha
Napahi na rin  pala aking kolerete
Inayos  ko aking buhok at sapatos sa paa
Malapit nang  matapos ang byahe.

Hindi na musmos, may espasyo na rin
Hindi na kailangan kandungin ni inay
Nababagtas na ang kalsada kahit walang bilin
Mga pangarap unti-unting nararating at sumisilay.

Salamat inay…

I see Jesus in you.



Pagbati sa mga magigiting na kababaihang kasama sa byahe patungo sa ating mga pangarap.

Malayo pa nguni’t nagpapatuloy dahil sa’yo. Sa’yo ko natutunan tunay na pag-ibig. 'Di kita mapapantayan dahil di biro maging ikaw. At sa mga kababaihan na nilimot ang sariling pangarap para sa kanilang mga supling. Maligayang pagbati! Kayo ay inspirasyon.


Published by Merrel Ya

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about "kuliglig sa kanyang dibdib."

PREVIOUS

Related Writings

'}}

He works on us

God works on us through each other.
'}}

And that’s enough, my love

You don't need to find yourself in the world, You don't need to fit yourself to them You don't need to beat yourself again My love, Your value doesn't depend on them You don't need to prove yourself again Remember you're chosen by Him. My love, The Lord calls you by your name He loves […]
'}}

Your slow morning matters too

just simply sitting, walking, listening, roaming absorbing, and taking time.